Kaso ng tigdas sa bansa tumaas ngayong taon

Kaso ng tigdas sa bansa tumaas ngayong taon

TUMAAS ng 638 porsiyento sa unang buwan ng 2023 ang kaso ng tigdas ng bansa.

Ito ay matapos makapagtala ng 59 na kaso nito ang Department of Health (DOH) noong Enero 2023.

Malayo ito mula sa 8 kaso lamang noong nakalipas na taon.

Ang Zamboanga ang nakapagtala ng pinakamataas na kaso sa bansa na may 13, habang tig-8 kaso naman ang naiulat sa Ilocos Region, at Central Luzon habang 7 kaso naman sa Calabarzon.

Sinabi naman ng DOH na ang pagtaas ng kaso ng tigdas ay dahil sa pagluwag ng restrictions dahil sa COVID-19.

 

 

Follow SMNI News on Twitter