NCRPO, may bagong hepe; Outgoing NCRPO chief MGen. Estomo aakyat bilang top 3 man ng PNP

NCRPO, may bagong hepe; Outgoing NCRPO chief MGen. Estomo aakyat bilang top 3 man ng PNP

PANGUNGUNAHAN mismo ni PNP Chief PGen. Rodolfo Azurin Jr., ang turn-over ceremony sa bagong National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief, February 24, 2023.

Papalit bilang bagong NCRPO Regional Director si Special Action Force acting Director PMGen. Edgar Alan Okubo habang aakyat naman bilang Deputy Chief for Operations si PMGen. Jonnel Estomo sa PNP National Headquarters, Camp Crame.

Isa sa mga iiwanang legasiya ni Estomo sa ilalim ng kanyang liderato ay ang pilot program nito na S.A.F.E. NCRPO.

Nauna nang pinuri ang programang ito ni Estomo dahil sa pinalawak na police visibility nito sa buong Metro Manila na naging daan sa mas mababang bilang ng kaso ng kriminalidad sa Kalakhang Maynila.

Follow SMNI NEWS in Instagram