Pagkakabaril sa sarili ng estudyante sa Bulacan, walang foul play –PNP

Pagkakabaril sa sarili ng estudyante sa Bulacan, walang foul play –PNP

INALIS ng pulisya ang anggulong foul play sa estudyanteng nabaril ang sarili sa Brgy. Muzon, San Jose del Monte, Bulacan.

Ayon kay Police Lieutenant Colonel Ronaldo Lumactod, hepe ng San Jose del Monte City Police, “accidental firing” ang nangyari sa Grade 6 student ng Benito Nieto Elementary School.

Nabatid na ala-1 ng hapon nang binawian ng buhay ang estudyante habang nasa ospital.

Una nang inatasan ni PNP chief PGen. Rodolfo Azurin Jr. ang Bulacan Police Provincial Office na magsagawa ng imbestigasyon sa nangyari sa estudyante at kung paano napasakamay nito ang baril.

Napag-alaman na pagmamay-ari ang baril ng kanyang ama na kinilalang si Police Executive Master Sergeant Sherwin Dascil, nakatalaga sa Directorate for Police Community Relations (DPCR) sa Camp Crame, Quezon City.

 

Follow SMNI News on Twitter