POSIBLENG palawigin pa ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ang deadline para sa SIM (subscriber identity modules) Card Registration.
Ito ay para mabigyan pa ng pagkakataon ang mga subscriber na makapagparehistro ng kanilang SIM card.
Ayon kay DICT Undersecretary Anna Mae Lamentillo, nasa 24.54% pa lamang o katumbas ng 41,471,503 subscribers ang nakapag-parehistro ng kanilang SIM card mula sa mahigit 168.9 million subscribers sa buong bansa.
Sa ngayon, nasa deliberasyon pa ang pagpapalawig ng SIM registration ng panibagong 120 araw.
Una nang itinakda ang deadline ng mandatoryong pagpapatala ng SIM card sa loob ng 180 araw mula nang naging epektibo ang SIM Card Registration Act o hanggang Abril 26, 2023.