NATAGPUAN sa isang apartment sa Northern England ang dalawang murals na pinaniniwalaang ginawa sa nakalipas na 400 years.
Batay sa ulat, ang isa sa mural design ay nagpapakita ng isang ‘biblical scene’ kung saan isang lalaki ang nakakulong at pinapalaya ng isang anghel.
May lalaki ring nakasakay sa isang puting kariton na pinaniniwalaang babiyahe ito papuntang langit.
Nadiskubre na ang murals ay mga eksena mula sa isang 1635 aklat na may pamagat na “Emblems” ng poet na si Francis Quarles.
Dahil dito, posibleng sa pagitan ng mga taong 1635 – 1700 ginawa ang murals.
Ang apartment ni Budworth ay nasa Micklegate St., York City, Northern England na pinapalibutan ng sinaunang mga pader.
Ang mismong apartment naman ni Budworth ay bahagi ng Grade II Georgian building na itinayo pa noong 1747.