UNANG makakaharap ng Gilas Pilipinas ang Malaysia sa pagbubukas ng 32nd Southeast Asian Games Men’s Basketball Tournament.
Gaganapin ang laro sa Mayo 9 sa Morodok Techno National Stadium Elephant Hall 2 sa Phnom Penh, Cambodia.
Ang Gilas ay nasa bracket kung saan makakasama nila rito ang Singapore, at Cambodia na siyang host country.
Habang nasa Group B ang Indonesia, Thailand, Vietnam, at Laos.
Sa Mayo 11, makakaharap ng Gilas ang Cambodia at Mayo 13 naman ang Singapore.
Aabante naman sa semi-final’s sa Mayo 15 ang mananalong dalawang team sa bawat grupo.