Higit P9.3-M cash aid, ipinamahagi ng OVP at DOLE sa mga benepisyaryo ng TUPAD sa Bacolod

Higit P9.3-M cash aid, ipinamahagi ng OVP at DOLE sa mga benepisyaryo ng TUPAD sa Bacolod

MAHIGIT P9.3-M ang naipamahagi Office of the Vice President (OVP) at Department of Labor and Employment (DOLE) para sa mga benepisyaryo ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) sa Bacolod City National High School Gymnasium.

Ayon kay Vice President Sara Duterte, umabot ng 1,898 katao mula sa 17 barangay sa lungsod ng Bacolod ang nakatanggap ng P4,500 bawat isa.

Kasabay ng selebrasyon ng Labor Day, kinilala rin ni Vice President Duterte ang sakripisyo ng mga manggagawang Pilipino na nagtatrabaho hindi lang para sa kanilang sarili at pamilya, kundi para din sa bayan.

Dagdag pa ng pangalawang pangulo na sila ay kaisa ng mga manggagawang Pinoy na naninindigan sa pag-asang matupad ang pangarap na isang progresibo, inklusibo at matatag na Pilipinas.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter