Free shuttle services ng Navotas LGU pati mga sasakyan ng 18 brgy, pansagot ng Navotas sa 1 linggong transport strike

Free shuttle services ng Navotas LGU pati mga sasakyan ng 18 brgy, pansagot ng Navotas sa 1 linggong transport strike

IBINIDA ni Navotas City Mayor John Rey Tiangco na handang-handa ang lokal na pamahalaan kahit na abutin pa ng isang linggo ang transport strike dahil sa phase out ng mga jeepney at UV Express.

Ito aniya ay dahil naglaan na sila ng free shuttle services para sa mga Navoteños na maaapektuhan ng tigil-pasada.

Noong isang linggo pa aniya nagpulong at naghanda ang kanilang Crisis Management Team na nagplano at naghanda ng mga dapat gawin laban sa problemang idudulot ng malawakang tigil-pasada.

Samantala, sinabi pa ni Tiangco na bukod sa mga sasakyang inilaan ng lokal na pamahalaang lungsod ng Navotas ay magpapagamit din ng service vehicles ang 18 na mga barangay para masakyan ng mga taga-Navotas.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter