NAKAPAGTALA ang Department of Health (DOH) ng 6,630 na bagong kaso ng COVID-19 sa buong bansa.
Ito ay mula Hunyo 5 – 11 batay sa latest case bulletin ng ahensiya.
Ang average na bilang ng bagong kaso kada araw ngayong linggo ay nasa 947.
Ayon sa DOH, 27 porsiyento na mas mababa ito kung ikukumpara sa mga kaso noong Mayo 29 hanggang Hunyo 4.
Sa mga bagong kaso, 112 sa mga ito ang may malubha at kritikal na karamdaman.
Samantala, mayroon namang naitalang lima na pumanaw kung saan walang naganap noong Mayo 29 hanggang Hunyo 11.