MAGSASAGAWA ng pet fair ang JCI Manila at ang Parañaque City Government sa Ayala Malls Manila Bay sa Sabado, Hunyo 24.
Ayon kay Mayor Eric Olivarez na ang City Veterinary Services Office, kasama ang Pawssion Project, ay lalahok sa pet fair na inorganisa ng JCI Manila sa Lumbera Atrium ng Ayala Malls Manila Bay.
Sinabi ni Olivarez na ang pet fair ay magbibigay ng paggamot, mga aktibidad, at impormasyon para sa responsableng pagmamay-ari ng alagang hayop.
Samantala, isasagawa rin ang libreng anti-rabies vaccinations, blessing ceremony para sa mga alagang hayop, at dog training workshops sa event na magsisimula sa 1:00 p.m.