Tulong para sa mga OFW sa ilang bansa, ipinaabot ng DMW

Tulong para sa mga OFW sa ilang bansa, ipinaabot ng DMW

IPINAABOT ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang tulong para sa mga overseas Filipino worker (OFW) sa tulong ng Department of Migrant Workers.

Ang nasabing tulong ay para sa mga Pilipinong may kaso na kinakailangan ng tulong legal o medikal, repatriation, at pagpapadala ng mga labi, maliban sa mga bansang walang residenteng migrant workers offices.

Ilan sa mga Pilipinong nasa Australia, Brunei, China, Hong Kong, Macau, Japan, Korea, Malaysia, New Zealand, Singapore, Bahrain, Israel, Jordan, Kingdom of Saudi Arabia, Kuwait, Lebanon, Morocco, Oman, Qatar, United Arab Emirates, Czech Republic, Germany, Greece, Italy, Spain, Switzerland, United Kingdom, Canada at United States of America.

Maliban dito, pinagplaplanuhan din ng DMW na magbigay ng tulong sa mga Pinoy sa ibang bahagi ng mundo kahit hindi OFW.

Sa lahat naman na mayroong nais ipaabot sa DMW, maaari lamang tumawag sa 87221144 o 87221155, o mag-email sa [email protected], [email protected], at [email protected].

 

Follow SMNI NEWS in Twitter