Higit P200-K halaga ng droga, nasamsam sa high-value individual

Higit P200-K halaga ng droga, nasamsam sa high-value individual

NAARESTO ang isang high-value individual matapos ang anti-illegal drugs operation sa Brgy. Libertad, Butuan City.

Kinilala ni PRO CARAGA Regional Director Police Brigadier General Pablo Labra II ang nahuli na si Joseph Miran, alyas Jong-Jong, 37 taong gulang.

Nakuha ng mga operatiba ng City Drug Enforcement Unit-Butuan City Police Office kasama ang Butuan City Police Station 3 ang 32 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P217-K.

Dati nang nahuli sa buy-bust operation ang suspek ngunit nakalaya nang mag-avail ng plea bargaining agreement noong 2020.

Paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang kakaharapin ng suspek.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter