Ellen Adarna, mamimigay ng libreng ticket para sa Singapore concert ni Taylor Swift

Ellen Adarna, mamimigay ng libreng ticket para sa Singapore concert ni Taylor Swift

MAMIMIGAY ang aktres na si Ellen Adarna ng libreng ticket para sa Singapore concert ni Taylor Swift.

Ito ang sinabi ng aktres sa kaniyang Instagram post.

Sa kaniyang wellness brand na E11VEN ay magbibigay siya ng apat na CAT1 ticket na may petsang Marso 3 at dalawang VIP1 ticket na may petsang Marso 7.

Hiniling niya sa mga followers nito na sundan ang E11VEN para sa mechanics.

Samantala, sa video sinabi niya na excited na siya, kung saan ipinakita ang pagtugtog niya ng Swift’s Clean sa piano at pagkanta.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter