DA, nakahandang tulungan ang mga magsasakang apektado ng masamang panahon

DA, nakahandang tulungan ang mga magsasakang apektado ng masamang panahon

INILATAG ng Department of Agriculture (DA) ang iba’t ibang interbensiyon na ipamamahagi sa mga naapektuhang magsasaka dulot ng nagdaang Bagyong Dodong at habagat.

Mamamahagi ng iba’t ibang mga binhi ng palay, mais, gulay, at iba pang tulong para sa livestock at poultry sector.

Maaari ding makautang ang mga magsasaka sa ilalim ng Survival and Recovery (SURE) program of Agricultural Credit Policy Council (ACPC).

Nakahanda naman ang pondo ng DA para sa rehabilitasyon o para sa mga naapektuhang agricultural areas na kukunin sa ilalim ng Quick Respond Fund ng ahensiya.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter