NAGTIPON-tipon ang mga lingkod bayan, business owner at iba pang kilalang personalidad sa Okada Manila nitong Lunes ng gabi kinilala ang mga ito sa taunang Global Iconic Aces Awards lalo na ang mga Pilipinong namayagpag sa kani-kanilang larangan.
Pinarangalan din ang mga may mahalagang kontribusyon para sa patuloy na pagbangon at pag-unlad ng Pilipinas.
Binigyan ng parangal ang mga kilalang personalidad kabilang na sina Miss Supranational Philippines 2023 Pauline Amelinckx, Entrepinoy Revolution Anchor Dr. Carl Balita, Chief Policy Adviser for the House Speaker Dr. Clarita Carlos, at Quezon City Mayor Joy Belmonte.
Kabilang din sa mga kinilala ng Global Iconic Aces Awards ay ilang mga business owner na naging matagumpay sa pagnenegosyo.
Samantala, mas naging makabuluhan pa ang nasabing pagtitipon nang isinagawa ang Walk with the Warriors kasama ang mga benepisyaryo ng Aura Cares Foundation mula sa Onesimo Foundation, God’s Angel Little Miracle, Bags of Hope, at God’s Provision.