Miss Supranational 2023 Pauline Amelinckx, itinanghal bilang kauna-unahang “The Miss Philippines”

Miss Supranational 2023 Pauline Amelinckx, itinanghal bilang kauna-unahang “The Miss Philippines”

ITINANGHAL bilang kauna-unahang “The Miss Philippines” si Miss Supranational 2023 first runner up Pauline Amelinckx.

Ginanap ang coronation night nitong Huwebes ng gabi kasabay ang supra-duo homecoming celebration event na ginanap sa Crowne Plaza Manila Galleria.

Natanggap ni Amelinckx ang ‘The Miss Philippines’ sash mula sa dating beauty queen at ngayon ay Miss Universe Philippines National Director na si Shamcey Supsup-Lee.

Samantala, kasabay ng event, inanunsiyo rin ng Miss Philippine Organization na bukas na ang aplikasyon para sa unang edisyon ng The Miss Philippines-ang ‘pinakabago at pinaka-modernong pageant’ para sa mga Pinay beauty na may edad 18-32 taong gulang.

Follow SMNI NEWS on Twitter