Pantay na pagtrato ng China sa ASIAN Games, ipinanawagan

Pantay na pagtrato ng China sa ASIAN Games, ipinanawagan

MAY panawagan ngayon ang Philippine Olympic Committee (POC) sa China sa paparating na ASIAN Games sa Hangzhou, China.

All set na ang Team Pilipinas sa paparating na 2023 ASIAN Games.

Ayon kay Philippine Olympic Committee (POC) President Bambol Tolentino, pinakamalaking delegasyon ang ipadadala ng Pilipinas para sa mga laro.

“We will be sending 396 athletes,” ayon kay Abraham ‘Bambol’ Tolentino, President, Philippine Olympic Committee.

40 sporting events ang lalahukan ng Philippine Team.

Positibo ang POC na makakahakot tayo ng maraming panalo sa individual games.

Ito’y kahit hindi makasasali ang star gymnast na si Carlos Yulo dahil conflict sa schedule.

Pero, nag-commit naman ang world’s number 2 pole vaulter na si EJ Obiena.

Pati na ang pambato sa weightlifting na si Hidilyn Diaz.

Positibo rin ang Philippine team sa surprise performances ng mga pambato natin sa track and field at boxing.

“Ang boxing po sa ASIAN Games will be qualifying for Olympics kaya kailangan pagbutihin… Pagbubutihin po nila ‘to sigurado,” dagdag ni Tolentino.

Malakas din aniya ang laban ng Pilipinas sa E-Sports.

At hindi rin magpapatalo ang pambato ng Pilipinas sa Martial Arts, Golf at Swimming.

Eh, kamusta naman kaya ang Philippine Mens Basketball Team na ipanlalaban sa ASIAN Games?

Lalo pa’t kagagaling ng Gilas Pilipinas sa kanilang kampanya sa FIBA Basketball World Cup.

“Basketball? We’re still waiting for the result of our appeal. So other players can… if they will be allowed to play,” ayon pa kay Tolentino.

China ang host country ng 19th Edition ng ASIAN Games.

At kahit may tensiyon tayo sa China sa mga pinag-aagawang teritoryo sa South China Sea, pantay na trato ang panawagan ng ating delegado.

“Hopefully maganda ang treatment sa atin ng host country,” ani Tolentino.

“Especially on sports with the judgment on judges no. Mga ganon, iba ang scoring-mabigat as a host no. We’ll pray for that,” aniya.

Magkaiba naman aniya ang sports sa geopolitics.

Lalo pa’t pagkakaisa ang hangad ng mga larong palakasan.

“You know sports unify people and unify everything. Sports is a different story,” diin pa ni Tolentino.

Magkakaroon ng send-off party ang Malacañang sa Lunes para sa Team Pilipinas.

Gaganapin ang ASIAN Games mula Setyembre 23 hanggang Oktubre 8.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter