UMABOT na sa 682 ang bilang ng mga nahuling lumabag sa gun ban kaugnay ng Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).
Sa Pulong Balitaan sa Camp Crame, sinabi ni PNP PIO chief PCol. Jean Fajardo na batay ito sa datos ng Philippine National Police (PNP) mula Agosto 28 hanggang Setyembre 17.
Nasa 422 ang mga nakumpiskang baril at 3,157 ang iba pang deadly weapon at kontrabando.
Habang 663 ang mga baril na idineposito sa PNP para sa safe-keeping at 532 ang mga nagsuko ng unexpired license.
Samantala, patuloy ang ipinatutupad na checkpoint operations ng PNP upang matiyak na magiging mapayapa ang pagdaraos ng halalan sa bansa.