PagbaBAGo bags na ipinamahagi ng OVP, isang maagang Pamasko—Pagadian at Dipolog LGU

PagbaBAGo bags na ipinamahagi ng OVP, isang maagang Pamasko—Pagadian at Dipolog LGU

TINAWAG na maagang Pamasko ng Offices of the City Mayor ng Pagadian at ng Dipolog ang mga PagbaBAGo bags na ipinamahagi ng Office of the Vice President (OVP) Zamboanga Satellite Office.

Nasa 3,675 indigent learners ang nakatanggap ng PagbaBAGo bags na may lamang school supplies at dental kits mula sa OVP.

Ang beneficiaries ay nagmula sa iba’t ibang pampublikong paaralan sa lungsod ng Pagadian, Dapitan, at Dipolog.

Bahagi ito ng pagpapatupad ng PagbaBAGo: A million learners and trees Campaign ng OVP sa Zamboanga Peninsula.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter