PARA patuloy na mahubog sa tamang landas ang mga kabataan, inilunsad ng National Youth Commission (NYC) ang PH Youth Development Plan (PYDP) para sa taong 2023-2028.
Ayon kay NYC Commissioner at PYDP committee chairperson Asec. Reen Vivienne Pineda, ang PYDP ang magsisilbing road map ng mga ahensiya ng gobyerno lalo na ng bagong upong SK officials para sa kanilang ipatutupad na programa para sa mga kabataan.
Nakapaloob sa development plan ang mga estratehiya para mahubog ang mga kabataan na maging makabayan at makialam sa interes ng bayan.
Ayon kay NYC Commissioner at PYDP committee chairperson Asec. Reen Vivienne Pineda, hinugot nila ang kanilang strategic plan mula sa iba’t ibang issue mula sa mga kabataan.
Aniya, nakapaloob na sa kanilang PYDP ang para sa GMRC (Good Moral Conduct).
Saklaw aniya kasi ito ng social values para sa mga kabataan.
Maging ang patungkol sa mental health para sa mga kabataan, ay gustong ma-address ng PYDP.
Hindi rin aniya puwedeng mawala sa PYDP ang proteksiyon para sa kabataan mula sa mga internal threats gaya ng infiltration ng mga kalaban ng estado.
Nagpahayag naman ng suporta ang DSWD at Department of Education (DepEd) sa PYDP.
Bago naman ang launching ng PYD, ay nagkaroon ng wreath laying ceremony ang NYC sa monumento ni Dr. Jose Rizal.