Seismic activity ng Bulusan Volcano, tumaas—PHIVOLCS

Seismic activity ng Bulusan Volcano, tumaas—PHIVOLCS

TUMAAS ang seismic activity ng Bulusan Volcano ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) nitong umaga ng Martes, Enero 23, 2024.

Sa ulat, nagkaroon ito ng 91 volcano-tectonic earthquakes bandang 1:38 ng madaling araw.

Sinabi na rin ng PHIVOLCS na nasa 202 tonelada bawat araw ang sulfur dioxide emission nito simula Enero 18.

Paliwanag ng ahensiya, ang pagtaas ng seismic activity at pressurization ng bulkan ay senyales ng mga hydrothermal process sa loob nito.

Ipinaalala na nila sa kalapit na local government units (LGUs) na iwasang pumasok sa loob ng four-kilometer radius permanent danger zone at two-kilometer extended danger zone ng Bulusan Volcano.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble