NAKA-display ngayon sa main lobby ng Korte Suprema ang 66 na oil at acrylic paintings na gawa ng mga bilanggo sa New Bilibid Prison (NBP).
Magtatagal ang Valentine’s Art Exhibit at Sale sa Korte Suprema kung saan tampok ang mga painting hanggang Pebrero 16, 2024.
Sakali namang mabili ang paintings ay ibibigay sa Persons Deprived of Liberty (PDLs) ang kita nito.
Sa lahat ng interesado ay maaaring i-contact ang opisina ni Associate Justice Jose Midas Marquez sa pamamagitan ng mga numerong ito: (02) 8525-713.