Business establishments sa San Juan City, magbubukas sa ilalim ng GCQ Alert Level 4

Business establishments sa San Juan City, magbubukas sa ilalim ng GCQ Alert Level 4

PINAGHAHANDAAN na ang muling pagbubukas ng business establishments sa unang araw ng implementasyon ng GCQ Alert Level 4 sa San Juan City ngayong araw.

Inaasahang iikot ang San Juan City government sa lungsod upang magkabit ng mga Vaccine Incentive Program stickers at 100% Fully Vaccinated Stickers sa mga kwalipikadong business establishment.

Kabilang sa maaaring magbukas muli ang mga dine-in sa mga restaurants at mga personal care establishments.

Unang araw ngayon ng pagpatutupad ng GCQ Alert Lever 4 sa National Capital Region.

Titiyakin naman ng lokal na pamahalaan na masusunod ang mga health protocols sa ilalim ng bagong quarantine classification.

Didikitan  ng sticker na may nakalagay na ‘100% vaccinated’ ang mga business establishment kung ang mga empleyado nito ay fully vaccinated na.

Ito ay alinsunod sa Executive Order na inilabas ni Mayor Francis Zamora na naghihikayat sa mga establishment na pabakunahan ang kanilang mga empleyado laban sa COVID-19.

Maliban dito ay mayroon ding Vaccine Incentive Program ang lungsod kung saan mamimigay ng diskwento ang mga establisimyento sa mga bakunadong kustomer.

Dahil dito ani Zamora ay natutulungan rin ang mga business establishment na makabangon mula sa COVID-19 pandemic.

Ayon kay Mayor Zamora, ang mga naturang programa ay mga istratehiya upang mahikayat pa ang mga natitirang populasyon na magpabakuna laban sa COVID-19.

Dagdag ng alkalde na ang mga programa ay hindi lang makatutulong sa mga establisimyento na makabawi sa mga kitang nawala, pero makatutulong rin ito upang maramdaman ng mga kustomer na silay ligtas na lumabas.

“We implemented these executive orders not just to help boost the establishments’ sales, but we also want the customers to feel safer when going out. I think anybody will feel better knowing that the people they are with are also vaccinated,” pahayag ni Zamora.

Sa ilalim ng Alert Level 4 ay papayagan pa rin ang mga dine-in services na makapag-operate.

Maaari na ring magbukas ang mga personal care services tulad ng barbershops, hair spas, nail spas, at beauty salons.

Pero kinakailangan fully vaccinated ang lahat ng empleyado.

SMNI NEW