Mahigit 9M videos sa TikTok PH tinanggal noong ika-2 bahagi ng 2024

Mahigit 9M videos sa TikTok PH tinanggal noong ika-2 bahagi ng 2024

TINANGGAL ng social media platform na TikTok ang higit siyam na milyong videos noong ikalawang bahagi ng taong 2024.

Ayon sa TikTok, tinanggal ang videos dahil sa paglabag sa community guideline violations.

Sa kanilang datos, 4.5 million videos ang tinanggal mula Hulyo hanggang Setyembre habang 4.85 million videos noong Oktubre hanggang Disyembre.

Ang mga paulit-ulit na lumalabag ay maaaring permanente nang mawawalan ng access sa kanilang accounts.

Mahigit 49 million ang aktibong users ng TikTok sa Pilipinas.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter