VP Sara handang dumalo sa mga hearing sa ilegal na pagkaaresto ni FPRRD

VP Sara handang dumalo sa mga hearing sa ilegal na pagkaaresto ni FPRRD

HANDA pa ring dumalo si Vice President Sara Duterte sa susunod na mga hearing na may kaugnayan sa ilegal na pagkaaresto ng kanyang ama na si dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Aniya, naimbitahan na siya ni Sen. Imee Marcos na dumalo sa mga hearing at matatandaan naman na noong Marso 20 nang una itong ginawa ay nakadalo si VP Sara via video conferencing platform.

Noong Abril 3 nga lang, sa ikalawang hearing ay hindi na nakadalo si VP Sara dahil marami itong schedule at may kaibahan din sa time zone sa pagitan ng Manila at Netherlands.

Sa Abril 10 ay magsasagawa ng ikatlong hearing ang Senado at inaasahang dadalo ang ilang resource persons.

Bagamat dumalo sa unang hearing, matatandaang hindi nag-attend ang mga ito sa ikalawang hearing.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble