HINDI maghihiganti ang Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) laban sa pinakabagong taripa na ipinataw ng Estados Unidos, ayon sa mga economic ministers nito.
Mas pipiliin nalang anila ang pagkakaroon ng isang diyalogo upang maiwasan ang lumalalang tensiyon sa kalakalan.
Mapapansin na ang bagong taripa sa export products na ipinataw ng Estados Unidos ay magkaiba sa bawat miyembro ng ASEAN.
Cambodia ang may pinakamataas na taripa na umabot ng 49 percent.
Sinundan ito ng 48 percent para sa bansang Laos; 46 percent para sa Vietnam; at 44 percent para sa Myanmar.
Samantala, ang Thailand ay may 36 percent; 32 percent para sa Indonesia; tig-24 percent na taripa para sa mga produkto ng Malaysia at Brunei; Pilipinas na may 17 percent; at Singapore na may 10 percent.