Paliparan at daungan itatayo sa loob ng Iwahig Prison sa Palawan

Paliparan at daungan itatayo sa loob ng Iwahig Prison sa Palawan

NAKATAKDANG magtayo ang Bureau of Corrections (BuCor) ng isang paliparan at isang daungan sa loob ng 27K-hectare reservation ng Iwahig Prison and Penal Farm.

Bahagi ito ng kasunduan ng BuCor at Philippine Economic Zone Authority (PEZA) upang gawing isang economic zone ang prison reserve sa Puerto Princesa.

Sa pagtataya, dalawang beses na mas malaki ang itatayong airport kumpara sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Samantala, ang itatayong daungan ay target na maging isang international seaport na maaaring magsilbi para sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble