OVP nagtanim ng 4,000 indigenous trees sa Sorsogon

OVP nagtanim ng 4,000 indigenous trees sa Sorsogon

BILANG bahagi ng PagbaBAGo: A Million Learners and Trees Campaign at pagdiriwang ng International Women’s Month, nagsagawa ang Office of the Vice President (OVP) ng Tree Planting Activity sa Brgy. San Sebastian, Sta. Magdalena, Sorsogon nitong Marso 28, 2025.

Sa pangunguna ng OVP – Bicol Satellite Office, umabot sa 4,000 indigenous trees tulad ng Narra, Bitaog, Dao, at Sambulawan ang naitanim bilang bahagi sa layuning makapagtanim ng 1 milyon na puno sa buong bansa.

Lubos na nagpapasalamat ang OVP sa LGU Sta. Magdalena, MENRO, PENRO Sorsogon, BFP, Navy, BJMP, Coast Guard, PNP 5, at Barangay San Sebastian Council sa pakikipagtulungan upang maging makabuluhan ang aktibidad na ito.

 

Editor’s Note: This article has been sourced from the Office of the Vice President of the Philippines Facebook Page.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble