EDSA rehabilitation ‘di muna isasagawa ngayong Semana Santa—DPWH

EDSA rehabilitation ‘di muna isasagawa ngayong Semana Santa—DPWH

ISUSUSPINDE na muna ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang pagsisimula ng rehabilitasyon ng EDSA ngayong Semana Santa.

Ayon sa ahensiya, maaaring pagkatapos pa ng eleksyon tuluyang masimulan nila ang pagsasaayos ng EDSA.

Nauna nang sinabi ng DPWH na ang rehabilitasyon ay isasagawa upang mapabuti ang kondisyon ng kalsada, pavement durability at kabuuang kaligtasan ng mga motorista sa naturang daanan.

Ang pagkukumpuni sa northbound lane ay mula sa Balintawak hanggang Monumento habang sa southbound lane ay magsisimula mula Monumento hanggang Roxas Boulevard.

Tinatayang aabutin ng P300M ang pagkukumpuni sa northbound habang humigit-kumulang P7B ang halaga ng pagkukumpuni sa 15 southbound segments.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble