NAGSUMITE ngayon ng aplikasyon para makakuha ng asylum si retired Police Col. Royina Garma sa Estados Unidos.
Inamin ng kampo ni Garma na hindi pa matiyak kung mabibigyan ng asylum si Garma ngunit kung ito ay maaprubahan ay maaaring makalaya na ito mula sa pagkakakulong doon.
Matatandaang Nobyembre 2024 nang makulong sa Estados Unidos si Garma dahil sa pagdadala ng kanseladong visa.
Ngunit kapag tinanggihan naman ang asylum application nito ay ipapa-deport ito pabalik sa Pilipinas alinsunod sa Extradition Treaty sa pagitan ng Manila at Washington.
Maaari din itong kusang bumalik sa Pilipinas.
Si Garma ay nahaharap sa kasalukuyan sa mga kasong murder at frustrated murder na isinampa sa Department of Justice (DOJ).
Ito’y dahil nauugnay siya sa pagpatay kay Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) Board Secretary Wesley Barayuga noong Hulyo 2020.