SENYALES na maaaring magkaroon ng malakihang pagputok ang Bulkang Kanlaon dahil sa sunod-sunod na mga pagbuga nito ng abo.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), posibleng malawakang lava eruption ang mangyayari mula rito.
Nilinaw ng PHIVOLCS na wala silang konkretong batayan kung kailan muling mangyari ang malaking pagputok.
Magugunitang mula 12 ng hatinggabi noong Lunes, Abril 14 hanggang 12 ng hatinggabi noong Martes, Abril 15 ay naitala ang tatlong beses na pagbuga ng abo mula sa Bulkang Kanlaon.
Mayroon ding naitalang 33 volcanic earthquakes kasali na ang 5 volcanic tremors at paglabas ng 1,850 tonelada ng sulfur dioxide.
Nagbuga rin ng abo ang bulkan nang mahigit pitong oras noong Lunes na nagdulot ng bahagyang pag-ulan ng abo sa mga lungsod ng Bago at La Carlota.
Follow SMNI News on Rumble