OFW remittance noong Pebrero bumagal—BSP

OFW remittance noong Pebrero bumagal—BSP

BUMAGAL nitong Pebrero ang naitalang paglago sa perang ipinapadala ng mga Pilipino mula sa ibang bansa.

Ayon ito sa pinakabagong datos mula sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Sa record, lumago ng 2.7 percent na umabot sa P2.72B ang cash remittances ng mga OFW sa ikalawang buwan ng taon.

Ngunit kung titingnan, mabagal ito kumpara sa 2.9 percent na paglagong naitala noong Enero.

Sa kabuuan naman ay umabot sa P5.63B ang remittance na naipadala ng mga OFW sa unang dalawang buwan ng taong 2025.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble