Mayor Sara, nagpasalamat sa SMNI news at DZAR sa kanilang motorcade sa Laguna

NAGPASALAMAT si Davao City Mayor at Vice-presidential aspirant Sara Duterte sa SMNI news at DZAR Sonshine radio sa kanilang motorcade sa Laguna.

Personal na kuhanan ng video ng SMNI at DZAR ang pagsabi ng “daghang salamat” ni Mayor Inday sa ating himpilan sa ginawa nilang motorcade sa San Pablo Laguna.

 

Nakita naman ng Mayora ang uniform, ang patch ng logo ng SMNI at ang dalawang news vehicle nito na nagko-cover sa kanilang motorcade bago ito nagpasalamat.

Magugunita na bago pa man umarangkada ang mga election caravan ay paunang sinabi ni SMNI Chairman, Rev. Dr. Pastor Apollo C. Quiboloy na isang woman of destiny si Mayor Sara na nakaktakdang mamuno sa bansa.

Kasama naman ni Mayor Sara ang kaniyang running mate na si Presidential aspirant Bongbong Marcos at Senatoriable Harry Roque sa pag-iikot sa Laguna ngayong araw.

SMNI NEWS