MAGDEDEPLOY ang Philippine National Police (PNP) ng 200 personnel sa tatlong campuses sa Cebu City kung saan gagawin ang Bar exam bukas, Pebrero 4 hanggang 6.
Sa isang pahayag, sinabi ng PNP na ang tatlong paaralan ay kinabibilangan ng Banilad, University of San Carlos-Main, at University of San Jose Recoletos-Basak Pardo.
Ayon sa PNP, idedeploy ng maaga ang mga pulis para matiyak na ang mga motorista sa paligid ng mga campus ay maabisuhan ng pansamantalang road closures.
Batay sa Cebu City Police office, humiling ang school administrators na wala dapat anumang ingay sa mga room para sa Bar exam.
Pinayuhan naman ni PNP Chief General Dionardo Carlos ang mga examinees na huwag magsagawa ng send-off dahil magsasanhi ito ng pagtitipon ng mga tao.