PROMOTED na sa pagiging 1st Lieutenant ang actor at singer na si Ronnie Liang.
Mula ito sa pagiging isa sa mga 2nd Lieutenant sa reservist ng Philippine Army.
Ayon kay Liang, naka-base ang promotion ng isang Army Reservist sa educational attainment at haba ng serbisyo.
Sa panig ni Liang, isa syang degree holder matapos nag-graduate ito ng Education Major in Science.
Maliban pa dito ay isa rin syang private pilot license holder habang nagpapatuloy ang kanyang commercial pilot course sa Pilipinas Space Aviation Academy Inc.
Kasalukuyan rin itong nag-aaral para makakuha ng master’s degree in management major in national and administration sa Philippine Christian University.