PATULOY na tutulong at dedepensa si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa mga pulis na magiging alanganin ang buhay dahil sa kanilang trabaho.
Ito ay kahit tapos na ang kanyang termino sa ika-30 ng Hunyo.
Sinabi ito ni Pangulong Duterte sa harap ng mga bagong graduate sa ika-43 Commencement Exercises ng Philippine National Police.
Dagdag pa ni Pangulong Duterte na dapat manatiling tapat sa kanilang sinumpaang propesyon kahit na anong mangyari.
Ani Pangulo, mahal niya ang mga ito.
Paalala ni Pangulong Duterte, dapat patuloy na sundin ng mga pulis ang batas at huwag umasta na superior o mas mataas sa iba.
Aniya, ang mga pulis at mga government official ay mga public servant.
Magugunitang, ang war on drugs ni Pangulong Duterte ang isa sa mga highlights ng administrasyong Duterte.