PRRD, mas pinaigting ang ‘skills training’ ng mga OFW sa tulong ng TESDA – Bertiz

PRRD, mas pinaigting ang ‘skills training’ ng mga OFW sa tulong ng TESDA – Bertiz

MAS pinaigting ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang ‘skills training and development’ sa mga overseas Filipino worker (OFW) na nawalan ng trabaho dahil sa iba’t ibang sitwasyon.

Ayon sa deputy director general ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) na si Congressman John Bertiz, bago pa man tumama ang COVID-19 pandemic ay palagi nang inaatasan ni Pangulong Duterte ang TESDA para tulungan ang mga OFW na nawalan ng trabaho.

Dagdag pa ni Cong. Bertiz, mas lalo pang tumulong ang TESDA sa panahon ng pandemya kung saan maraming mga OFW ang umuwi sa bansa.

Sa ngayon, maraming inaalok ang TESDA na iba’t ibang mga pagsasanay gaya ng pagsasaka para sa mga OFW at maging sa mga nagbabalik-loob na mga rebelde para magamit nila sa kanilang kabuhayan.

Samantala, masayang ibinahagi ni Bertiz na merong TESDA online course na nag-aalok ng 115 courses na bukas sa mga OFW kahit nasa ibang bansa.

Aniya, maaari din mag-aral ang may edad 15 taon pataas.

Follow SMNI NEWS in Twitter