MAGANDANG hakbang para sa Department of Labor and Employment (DOLE) ang pagtatayo ng Department of Migrant Workers (DMW).
Ayon kay DOLE Sec. Bienvenido Laguesma sa panayam ng SMNI News, nakatutulong ito para mapagtuunan ng pansin ang mga manggagawang Pilipino sa Pilipinas dahil may hiwalay na ahensya na ang tututok para sa mga Pilipino abroad.
Sa kabila nito, tiniyak pa rin ni Laguesma na makikipagtulungan siya kay Migrant Workers Sec. Susan Ople para sa pagbibigay serbisyo ng mga manggagawang Pilipino.
Samantala, pinayuhan ni Laguesma ang publiko na huwag tumigil sa pagsunod sa health protocols laban sa COVID-19 para maiwasan ang pagsasara ng mga kumpanyang pinapasukan.