INIHAYAG ni Direk Paul Soriano na ‘feeling blessed and honored’ ito bilang kabahagi ng political journey ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.
“I feel blessed and honored,” wika ni Direk Paul sa panayam ng SMNI News.
Saad pa ni Direk Paul, ang paglalakbay na ito ay nagsimula pa sa kampanya ni Pangulong Marcos, Jr. hanggang sa inauguration at ngayon ay sa unang State of the Nation Address (SONA) nito.
“What a journey, it has been, truly, grateful, honored and blessed, to be a little part of it, exciting, it’s great to be here, and I’m very humbled,” masayang pahayag ni Direk Paul.
Nagpahayag naman ito na handa siyang maging director sa susunod pa na mga proyekto o SONA ni Pangulong Marcos Jr.