NASAWI ang isang Communist Terrorist Group (CTG) sa naganap na 10 minutong sagupaan sa pagitan ng militar at New People Army sa Sitio Tacub, Barangay Rizal, Buenavista, Agusan del Norte.
Sa pangunguna ng 23rd Infantry (Masigasig) Battalion sa ilalim ng operational control ng 402nd Infantry “Stingers” Brigade, 4th Infantry “Diamond” Division, hindi na nakaligtas ang isang pinaghihinalaang miyembro ng Pltn. Sagay, SRC 3, NCMRC na pinamumunuan ni Rene Villa Jokol.
Wala naman naitalang sugatan o namatay sa panig ng tropa ng pamahalaan habang narekober mula sa encounter site ang 1 cal.30 carbine, 10 packs ammonium nitrate, 1 bandolier, 1 magazine ng carbine at 3 rounds of live ammunitions.
Agad na pinuri ni 23IB Commanding officer Lieutenant Colonel Jeffrey Balingao ang mga tauhan ng Philippine Army dahil sa katatagan ng mga ito kasabay ng pakiusap sa mga natitira pang kasapi ng kilusan na hindi nito titigilan ang mga kalaban ng estado hanggang sa sumuko ang mga ito.