NAGPAABOT ng pagbati si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. kay Olympic Gold Medalist Hidilyn Diaz.
Ito ay matapos humakot ng 3 gintong medalya si Diaz sa 2022 World Weightlifting Championships sa Bogota, Colombia.
Pinuri ng Pangulo ang pagsusumikap ni Diaz upang magsilbing inspirasyon sa maraming Pilipino at makapag-uwi ng karangalan para sa Pilipinas.