Tamang pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado, ipinaalala ng DOLE

Tamang pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado, ipinaalala ng DOLE

PINAALALAHANAN ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang mga employer na dapat ibigay ang 13th month pay sa kanilang mga empleyado hanggang December 25.

Sinabi ni Labor and Employment Assistant Secretary Dominique Tutay na ang 13th month pay na dapat matanggap ng isang empleyado ay katumbas ng isang buwang sweldo kung nakakumpleto ng isang taon na pagtatrabaho.

Nilinaw naman ng opisyal na magkaiba ang 13th month pay at Christmas bonus pero hindi obligadong magbigay ng Christmas bonus ang mga employer dahil ito ay isang uri lamang ng pasasalamat sa mga empleyado.

Samantala sakali aniyang hindi magbigay ng 13th month pay ang employer ay agad itong isumbong sa DOLE para maaksyunan.

Follow SMNI NEWS in Twitter