NAGKASUNDO ang Pilipinas at China na palakasin pa ang itinatag na strategic cooperative relationship sa pamamagitan ng pagtutok sa paglago ng electronic commerce sa pagitan ng dalawang bansa.
Enero 4, 2023 nang lagdaan nina DTI Secretary Fred Pascual at Chinese Minister of Commerce Wang Wentao ang isang memorandum of understanding (MOU) sa Electronic Commerce Cooperation.
Personal na nasaksihan ang paglagda sa MOU ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. bilang bahagi ng kanyang 3 araw na state visit sa Beijing, China.
Kabilang sa kasunduan ay ang palitan ng dekalidad na produkto at serbisyo, pagbabahagi ng mga magagandang ideya at karanasan sa mga MSMEs, startups, at platform sa e-commerce at pagbabahagi ng pinakamahuhusay na kasanayan at makabagong karanasan sa paggamit ng e-commerce.