48 MOU signings, 12 groundbreaking events sa Pambansang Pabahay Program, naisagawa noong 2022

48 MOU signings, 12 groundbreaking events sa Pambansang Pabahay Program, naisagawa noong 2022

INIULAT ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) na nagkaroon ng 12 groundbreaking events at 48 signings ng memorandum of understanding (MOU) para sa Pambansang Pabahay Program noong 2022.

Sinabi ni DHSUD Undersecretary Avelino Tolentino III na kasama nila sa paglagda ng MOU ang iba’t ibang local government units at government financial institutions para suportahan ang nasabing programa.

Kasabay nito, naniniwala ang DHSUD na susunod na rin ang iba pang LGUs sa pagsuporta dito sa pambansang pabahay.

Sa katunayan, makipagpirmahan na rin ng MOU si Mayor Benjamin Magalong kung saan ang Baguio City ay mag-a-allocate ng 6.3 hectares na lupa at target dito ang nasa 2,000 beneficiaries.

Tinitingnan ng Baguio LGU na magtayo ng 20-storey building sa Brgy. Topinao sa Tuba, Benguet.

Kung matatandaan pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang groundbreaking ng pabahay project sa Palayan City sa Nueva Ecija noong Disyembre ng nakaraang taon.

Follow SMNI NEWS in Twitter