Mga pamilya sa Tokyo, makakatanggap ng 5-K yen kada buwan

Mga pamilya sa Tokyo, makakatanggap ng 5-K yen kada buwan

PLANO ng Tokyo Metropolitan Government na magbigay sa mga pamilya ng kapital na buwanang allowance na 5 libong yen bawat anak na nasa 18 ang edad pababa kahit na ano pa ang estado nito sa buhay.

Ito ay kasunod ng bumababang birthrate sa Japan.

Tinataya na bumagsak sa 800 libo ang taunang bilang ng ipinapanganak sa Japan sa kauna-unahang pagkakataon noong 2022.

Ayon kay Tokyo Governor Yuriko Koike, kinakailangan na rumesponde ng gobyerno nito dahil walang agarang aksyon ang administrasyon ni Prime Minister Fumio Kishida.

Inihayag din ng gobernador na mangunguna na ang Tokyo sa ganitong hakbang dahil lubhang nakakabahala na ito para sa bansa.

Plano ng Tokyo na siguruhin ang pondo para dito sa matatanggap nitong budget sa Fiscal 2023 simula sa buwan ng Abril.

Samantala, aabot naman sa humigit-kumulang 2 milyong kabataan ang nasa 18 pababa ang naninirahan sa Tokyo.

Follow SMNI NEWS in Twitter