NAGLABAS ang Dubai ng 32-Trillion dirhams na economic plan kabilang na ang dobleng foreign trade and investment plan nito sa susunod na dekada.
Ang emirata ng Dubai na parte ng United Arab Emirates federation ay ang business and finance center ng Middle East.
Mayroon na rin itong lumalalim na trade routes at nakikipag-ugnayan na sa mga global firm kasabay ng lumalakas na kompetisyon sa rehiyon.
Target ng Dubai na umabot ang foreign trade investment sa 25.6 Trillion dirhams sa 2033 kasabay ng pagdaragdag ng syudad ng global partners nito.
Matatandaan na patuloy ang post pandemic recovery ng Dubai at napalago ang ekonomiya sa 4.6 percent noong unang 9 na buwan noong nakaraang taon.
Layon naman ng emirata na palakasin ang manufacturing at logistics sector nito bilang parte ng plano nito.