PATULOY na naghahanda ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) sa nakatakdang paggisa sa kanila ng Senado at Kamara.
Ngayong linggo, iimbestigahan sila kasama ang ibang concerned government agencies sa nangyaring technical glitch sa Communications, Navigation, and Surveillance/Air Traffic Management (CNS/ATM) system nitong Enero 1, o New Year’s Day.
Ayon kay CAAP Director General Manuel Antonio Tamayo, pinaghahandaan na nila mula pa nitong mga nagdaang araw ang pagsagot sa katanungan ng mga mambabatas.
Naging abala rin daw ang kanilang technical team sa pag-review sa mga maaaring tanong o paksa na pag-uusapan sa mga pagdinig.
Mauuna ang Kamara sa imbestigasyon na pangungunahan ng House ng Committee on Transporation ngayong Martes, Enero-10 na susundan naman ng Senado ngayong Huwebes.