Abalos, pangungunahan ang isang special task force sa Negros Island

Abalos, pangungunahan ang isang special task force sa Negros Island

PANGUNGUNAHAN ni Interior Secretary Benhur Abalos, Jr. ang isang special task force para panatilihin ang kapayapaan sa Negros Island.

Kasunod ito ng karumal-dumal na pamamaslang kay Negros Oriental Governor Roel Degamo at walong iba pa noong nakaraang buwan.

Sa ilalim ito ng direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr.

Kung saan ipinag-utos ng Presidente ang pagbuo sa task force upang pigilan ang pagkalat at paglala ng karahasan sa ibang bahagi ng Pilipinas at panatilihin ang kapayapaan at kaayusan sa isla ng Negros.

Base sa naturang AO, tatayo bilang chair ng task force si Abalos habang magsisilbing co-chair niya ang mga kalihim ng Department of Justice (DOJ) at Department of National Defense (DND).

Follow SMNI NEWS in Twitter