Abante Bukas Grande, nagpahayag ng suporta kay Pastor Apollo Quiboloy at PDP-Laban sa Socorro Rally

Abante Bukas Grande, nagpahayag ng suporta kay Pastor Apollo Quiboloy at PDP-Laban sa Socorro Rally

SA isang matagumpay na campaign rally ng Abante Bukas Grande sa Barangay Songkoy, Socorro, Surigao del Norte, buong tapang nilang inihayag ang pagsuporta kay Pastor Apollo C. Quiboloy sa kanyang kandidatura sa pagka-senador, pati na rin sa buong PDP-Laban senatorial slate.

Naniniwala ang grupo na kayang tugunan ni Pastor Quiboloy ang matagal nang isyu sa kanilang lugar tulad ng:

Farmer to Market Roads

Imprastraktura

Pagpapaunlad ng turismo

Samantala, itinampok ni Vice Mayoralty Candidate Jessa Mascardo ang kanyang personal na karanasan sa edukasyon sa Jose Maria College – College of Law, at ang mga lugar na pinamumunuan ng KOJC, gaya ng Glory Mountain at Garden of Eden Restored.

Anila, sa kabila ng mga isyu at inhustisya na kinahaharap ng butihing Pastor, nananatili itong matatag at mahal ang bayan, kalikasan, at kanyang mga tagasunod.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter