Administrative aide sa Malacañang, patay matapos mahulog sa loob ng Malacañang compound

Administrative aide sa Malacañang, patay matapos mahulog sa loob ng Malacañang compound

PATAY ang isang administrative aide ng Malacañang matapos mahulog sa ikaapat na palapag ng Mabini Hall sa loob ng Malacañang ngayong Huwebes, Hulyo 14, 2022.

Ito ang kinumpirma ni Press Secretary Trixie Cruz Angeles.

Kinilala ang biktima na si Mario Castro na nakatalaga sa Information Communications Technology Office sa ilalim ng Deputy Executive Secretary for Finance and Accounting.

Ayon kay Angeles, kasalukuyan nang iniimbestigahan ang insidente ng Presidential Security Group at ng Philippine National Security Force Unit.

Nagpaabot na rin aniya ng pakikiramay ang Malacañang sa pamilya Castro at tiniyak na gagawin nila ang lahat ng kanilang makakaya upang matulungan ang mga ito.

Follow SMNI NEWS in Twitter